google analytics code

Monday, October 10, 2011

Steve Jobs Secrets

7 tips from Steve Jobs
  1.  Do what you love, no matter what it happens to be
  2. Put a dent in the universe
  3. Say no to 1,000 things
  4. Kick start your brain by doing something new
  5. Sell dreams not products
  6. Create insanely great experiences
  7. Master the message

Ang 21 Utos ni Bob Ong


1."Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo
para mahalin ka nya.."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng
iba."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo
kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang
pansinin."

6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay
mo... Dapat lumandi ka din."

7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod
na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa t*ng* kundi
pagkukusa."

9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga
tao rin na di mo mahal pero mahal ka... Kaya quits lang."

10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi
ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama
sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon,
mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi
hindi ikaw ang priority."

14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa
script na pinili nya."

15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

16. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay
sa paggawa ng wala"

17. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"

18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo.
Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

19. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na
pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

20. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo.
Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

21. "Ang pag-ibig parang imburnal... nakakatakot mahulog... at kapag
nahulog ka, it's either by accident or talagang t*ng* ka..."